Pinayagan na si Irving na makibahagi sa practice

CLEVELAND -- Ang pag-upo at panonood sa kan­yang mga kakampi ay lubhang napakahirap na sit­wasyon para kay Kyrie Irving. At ang makitang natatalo ang Cleveland Cavaliers ay lalo pang mas masakit sa kanya.

Bagama’t hindi pa inaasahan, pinayagan na si Ir­ving na sumama sa team practice ng Cavaliers matapos ipahinga ng 11 laro dahilan sa nabaling kaliwang da­liri.

Inaasahang makikita ang star point guard sa Martes sa pagsagupa ng Cavaliers kontra sa Los Angeles La­kers sa Cleveland.

“It’s been very difficult,” sabi ni Irving matapos ang kanilang team practice noong Lunes. “But I’ve got­ten a chance to really break down the game and it’s given me a chance to get a different outlook being on the sideline. I’m really happy to be out there and be com­peting again.”

Nang mawala si Irving sa line-up ay nahulog sa 2-9 win-loss record ang Cleveland.

Nabali ang kanyang kaliwang daliri noong Nob­yembre 17 sa kanilang laban kontra sa Dallas Mave­ricks.

Nanatili pa rin sa kanyang porma si Irving.

 

Show comments