^

PM Sports

Arwind nanguna sa BPC race

FMangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangunguna para sa Best Player of the Confe­rence award pag­ka­tapos ang elimination round ng 2012-13 PBA Philippine Cup si Arwind Santos ng Petron Blaze.

At ang magi­ging ma­hig­pit niyang kalaban ay isang nag-aambisyong su­­munod sa yapak nina Eric Menk at Benjie Pa­ras sa katauhan ni Alas­ka rookie Calvin Abu­eva.

Dinomina ni Santos ang eliminations sa kanyang conference-best 12.1 rebounds at 1.5 shotblocks per game.

Nag-average din siya ng 17.1 points para sa kanyang 35.9 statistical points per game ave­rage.

Pero nasa pangalawa si Abueva, ang second overall pick sa nakaraang Annual PBA Draft, sa kanyang 32.7 SPs per game mula sa kanyang 10-game averages na 14.6 points, 10.2 rebounds, 2.1 assists at 1.6 steals.

Sina Santos at Abu­eva ang tanging da­la­wang pla­­yers na nag-ave­rage ng double-double sa elims.

Nag-aambisyong ma­ging BPC si Abueva sa kanyang unang confe­rence, nagawa ni Menk sa 1999 All-Filipino Cup, at maging Rookie of the Year at MVP sa parehong season na si Paras lamang ang nakagawa sa buong kasaysayan ng liga noong 1989.

Sina Jayson Castro ng Talk ‘N Text, Sol Mercado ng Meralco at Kelly Williams din ng Talk ‘N Text ang iba pang bumubuo ng Top 5 sa ave­rage statistical points para sa labanan para sa confe­rence MVP sa kanilang 31.9, 31.1 at 29.3, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ABUEVA

ALL-FILIPINO CUP

ARWIND SANTOS

BENJIE PA

BEST PLAYER OF THE CONFE

CALVIN ABU

ERIC MENK

KELLY WILLIAMS

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with