Pido Jarencio sa Barako Bull?

Wala na si coach Junel Baculi sa Barako Bull.

Kahapon, sa practice, inihayag sa mga players na sa Biyernes, si Bong Ramos na muna ang magku-coach sa laro nila sa PBA.

Isang araw, malalaman din natin ang tunay na istorya sa biglaang development na ito sa kampo ng Barako Bull pero eto na rin  kaya ang senyales ng pagtungo ni Baculi sa Globalport?

Si Bong Ramos na nga ba ang sasalo sa remaining contract ni  Baculi?

O mayroon pang iba na malamang umupo bilang head coach after the All Filipino conference?

May narinig kami, si Pido Jarencio raw ang ma-lamang na kandidato?

Show comments