Pacquiao, Barrera nag-bonding

MANILA, Philippines - Mula sa kanilang maaksyong dalawang beses na paghaharap sa ibabaw ng boxing ring, naging malapit na magkaibigan naman ngayon sina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at dating Mexican boxing great Marco Antonio Barrera.

Kahapon ay sabay na nag-jogging ang 33-an-yos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Barrera kasunod ang pagsabak sa ensayo ng Sarangani Congressman sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

“Took my morning run with Marco Antonio Barrera today and trained w/@FreddieRoach at Wild Card,” sabi ni Pacquiao sa kanyang Twitter account.

Si Barrera ay nagtatrabaho ngayon bilang chief boxing correspondent ng Mexican boxing program na Television Azteca.

Kamakalawa ay personal na pinanood ni Barrera, super bantamweight, featherweight at super featherweight divisions, ang sparring session ni Pacquiao kina Mexican Ray Beltran at Russians Ruslan Provodnikov at Vladimir Saurhankan.

“He is looking very good. He is still very strong. He is working hard because of his fourth meeting with Marquez,” ani Barrera sa panayam ng GMA News.

Dalawang beses nagharap sina Pacquiao at Barrera kung saan nanalo si ‘Pacman’ sa kanilang unang paghaharap noong Nobyembre ng 2003 via 11th-round TKO kasunod ang kanyang unanimous decision win sa kanilang rematch noong Oktubre ng 2007.

 Lalabanan ni Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) ang 39-anyos na si Juan Ma-nuel Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa pang-apat na pagkakataon sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

 

Show comments