Pagbasa ng kapalaran sa house number

Sa Chinese numero­logy, ang house number ang ginagamit nila sa paghula kung ano ang magiging kapalaran ng mga nakatira sa bahay. Halimbawa, ang house number ay 34—Ang mga residente ay magkakaroon ng masayang buhay o kaya karamihan sa kanila ay may talent sa art o malikhaing pagsulat. (3).  Mananatili silang maunlad at malalampasan nila ang hadlang sa kanilang buhay (4). Narito ang simbolo ng bawat numero kung saan ibinabase ang pang­huhula:

1 – kalayaan

2 – diplomasya, maingat magsalita, masayang lovelife

3 – masayang buhay, pagiging malikhain

4 – makupad, malalampasan ang hadlang sa buhay, mananatiling maunlad

5 – pagbabago, palipat-lipat ng lugar, laging nagbibiyahe

6 – masayang tahanan, mahusay humawak ng responsibilidad sa pamilya

7 – spirituality, wisdom and knowledge;

8 – maraming pera

9 – pagmamahalan

 

Show comments