Hinalikan ang biyenan

Panaginip: Simula sa pagkabata ay pinabayaan na ang aking mister ng kanyang ina. Sa kasalukuyan ay hindi niya alam kung nasaan na ito. Sa picture ko lang nakita ang hitsura ng aking biyenang babae. Sa panaginip, dumating ito sa aming bahay at hinalikan ko siya sa pisngi.---Molly

Interpretation: Makakatanggap ka ng alok na tulong o kaya ay importanteng impormasyon mula sa kakilala na may reputasyong hindi mapagkakatiwalaan.

Show comments