^

Kanlungan at lakas ni misis

(Pang-masa) - March 3, 2020 - 12:00am

Magkayakap sa sahig ang mag-asawa na umiiyak. Pagkatapos ng dalawang taon na hindi magkaanak na ngayon naman ay nakunan si misis.

Sobrang nasaktan si misis na feeling na pinabayaan siya ng Diyos. Hindi alam ni mister kung paano mag-react at i-comfort ang kanyang misis. Dahil hindi rin alam ni mister ang sagot sa mga tanong ng asawa sa isipan nito.

Walang ganang kumain o kumilos si misis na naghahanap ng totoong dahilan kung bakit nangyari ang lahat sa kanya. Pakiramdam na wala siyang silbi bilang babae.

Ngunit lalong mas naging close sina mister at misis pagkatapos ng miscarriage.

Maaaring hindi alam ni mister ang sagot sa problema. Pero sinamahan niya si misis sa pinagdadaanan nito. Inaalayan, kinakausap, hinahaplos, at mas lalong minahal ni mister si misis. Ipinaalala ni mister sa asawa na hindi siya nag-iisa at kapag gumaling na uli si wifey physically at emotionally ay susubok muli silang gumawa ng baby. Sa ngayon ay sabay silang magkahawak ng kamay na nanalangin na bigyan sila ng awa na magkaanak sa future.

Na-comfort si misis na kahit mukhang walang pag-asa ay nagkakaroon ng liwanag at gumagaan ang bigat ng kanyang kalooban dahil karamay niya si mister sa kanilang  problema. Dahil si mister din ang nagsilbing kanlungan at naging lakas ni misis.

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with