^

Babae nabulag dahil sa pagpapa-tattoo sa mata!

GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - March 2, 2020 - 12:00am

Nabulag ang kaliwang mata ni Aleksandra Sadowska mula Wroclaw, Poland matapos magpa-tattoo ng itim sa mismong eyeballs.

Habang ginagawa ang procedure, may masakit na raw siyang nararamdaman pero hindi niya ito iniinda. Ayon naman sa kanyang tattoo artist ay normal lang daw ito at pinayuhan siyang uminom na lang ng painkillers.

Ang nasabing artist ay naharap sa tatlong taong pagkakakulong dahil sa hindi sinasadyang pagbulag kay Sadowska.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may nagamit pala itong ink na hindi puwedeng gamitin sa mata. Ang ink na kanyang nagamit ay para lang sa balat.

“There is clear evidence that the tattoo artist did not know how to perform such a delicate procedure. And yet he decided to perform it, which led to this tragedy,” ani lawyer ni Sadowska.

Ayon naman sa mga doctor, permanente na ang pagkabulag ng biktima at hindi na magagamot pa. At ang malala, posibleng mabulag na rin daw ang kanyang kanang mata.

“Unfortunately, for now doctors do not give me much optimism for improvement. The damage is too deep and extensive. I’m afraid I will be completely blind.

“I will not lock myself in the basement and get depressed. I have sadness behind me, but I live on,” puno ng pag-asang pagbabahagi ni Sadowska.

Apat na taon ang lumipas, nakalaya na ang artist ni Sadowska at hindi napatunayang ito ay guilty.

BULAG TATTOO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with