Mangga at oatmeal pampabata ng kutis
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - February 28, 2020 - 12:00am

Tinatawag din na wonder fruit ang mangga dahil bukod sa mabibili ito ng buong taon, sandamakmak din ang benepisyo nito sa pagpapaganda dahil ito ay naglalaman ng vitamin A at C na mga anti-cancer antioxidants.

Mayroon din itong collagen na siyang tumutulong na mapanatiling makinis at matibay ang ating kutis. At puwede ito sa iba’t ibang skin types.

Bukod sa pagkain ay pwedeng-pwede ring ipahid ang mangga sa mukha tulad na lamang ng paggawa ng face mask.

Simulan ito sa pagkuha ng laman ng manggang hinog (siguraduhing hindi kunin iyong parte na malapit sa balat nito dahil maaaring mairita ang inyong balat).

Pagkatapos nito ay maghanda ng lutong oatmeal.

Pagsamahin ang mangga, oatmeal at maghalo lamang ng isang kutsarang honey.

Ibabad ito sa mukha ng 15 minuto at saka masasahihin, banlawan.

OATMEAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with