Pagnanasa ni mister kay misis
(Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Maliwanag ang turo ng Bible, hindi dapat i-deprive nina mister at misis ang isa’t isa pagdating sa sexual na pangangailangan bilang mag-asawa.

Ang sex ay nagsisilbing marital discipline nina husband at wife. Ito ay kung paano pagsilbihan ang bawat isa sa loob ng marriage. Mali para sa misis na gamitin ang sex bilang reward o kakulangan ng sex para lang parusahan ang asawa.

Kadalasan din ang mga lalaki ay visual oriented. Kahit pa ano ang tingin ng babae sa kanyang sarili, pero madaling nagigising ang natutulog na pagnanasa sa laman ng lalaki sa kanyang nakikita. Huwag kalimutan, ginawa ng Diyos ang lalaki na mayroong desire na makita ang hubad na babae.

Ang nag-iisang lehitimong paraan para mapunuan ang pagkukulangan sa God-given na pagnanasa ni mister para makita niya ang hubad na katawan ng kanyang misis ay ang pagsasalo at pagsisiping sa iisang kama.

Ang mga men sa romance novels at soap operas ay gawa-gawa lang. Ang ma­lakas, sensitive, at mapag-alagang lalaki ang totoong  pinakaromansang character na higit pa sa kuwento na telenobela na pawang mga fictional characters lamang. Walang mister ang makagagawa ng perfect na role gaya ng mga napapanood.

Sa isang banda, hindi kailangang gayahin ang mga nakita sa mga palabas. Bagkus sa sariling paraan ay puwedeng maging creative kung paano kikilitiin at pasasayahin si misis. Ang husband at wife ay mayroong kalayaan na ma-explore kung paano puwedeng namnamin ang pleasure at ma-enjoy ang sexual arena ng mag-asawa. Hindi kailangang ma-pressure o maging uncomfortable sa sexual relationship. Pero ang passion ng mag-asawa ay puwedeng mapukaw sa maraming paraan bilang pagiging creative sa kanilang sexual na relasyon.

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with