Farm na naghahanap ng ‘pig cuddlers’

Marami sa atin ang nakakaalam na isa ang baboy sa mga hayop na kakaiba ang taglay na katalinuhan.

Marami sa kanila ay mas matalino pa sa mga batang may edad na tatlong taong gulang at sa mga aso. Hindi lamang ‘yan, very social din ang mga baboy. Palagi silang nakikipag-usap sa isa’t isa at mayroon pa silang dalawang dosenang vocalizations na identified ng mga scientist.

Isang farm animal sanctuary sa South Carolina, USA ang naghahanap ng mga volunteer para makipag-cuddle/lambi­ngan sa kanilang piggies.

“Do you want to help make a huge difference in the lives of the pigs of Cotton Branch?” sabi ng isang farm animal sanctuary sa kanilang Facebook page. “Come help socialize our adoptable residents so they can move into our adoption program with ease! Belly scratches, cookies, sitting with, and even just talking to our pig friends can get them ready for their new home.”

Layunin ng natu­rang program na ihanda ang mga piggies para sa kanilang adoption. At para mas masanay sila sa pakikisalamuha sa mga tao.

Show comments