Kabit na buhay reyna

Dear Vanezza,

Pareho kaming Fil/Am ng ex husband ko. Nag-divorced kami at bumalik na ko rito sa ‘Pinas. Ang ex husband ko ay pinakasalan ang kabit niya. Masakit ang nangyari, pero ngayon ay nalampasan ko na. Ipinagsisisi ko lang ay nag-give up ako sa marriage ko. Sana ay ipinaglaban ko ang pamilya ko. Hindi katulad ngayon na buhay reyna ang kabit niya. Kasama ang mga anak nito sa ibang lalaki. Nanghihinayang ako sa pamilya ko. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan. - Lilly

Dear Lilly,

Nasa huli nga ang pagsisi, pero mas magandang mag-move on  na lang sa iyong buhay. I-let go na ang nakalipas. Naway magsilbing aral sa iba ang iyong kuwento na hindi binibigyan ng puwang ang mga kabit, para hindi magbuhay reyna at manira ng pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments