Emilio Aguinaldo may alagang kapre sa likod ng mansyon?!
MRYOSO (Pang-masa) - February 2, 2020 - 12:00am

Isa sa mga pinakasikat na bahay dito sa Pilipinas ay ang bahay ni Emilio Aguinaldo na may 175 taon nang tanda at matatagpuan sa Kawit, Cavite.

Si Emilio Aguinaldo ay ang pinakabata at kauna-unahang presidente ng Republika ng Pilipinas. Dinarayo ng mga turista at kadalasan ay mga estudyante ang kanyang bahay dahil sa maayos na pagkaka-preserved ng mga gamit sa loob nito. Para bang buhay na buhay pa rin ang mga taong tumira roon.

Samantala, noong nabubuhay pa raw si Aguinaldo, usap-usapan ang kuwentong siya raw ay may inaalagaang Kapre sa likod ng kanyang mansyon. Nakatira raw ito sa malaking puno na matatagpuan sa kanyang hardin.

Nakipagkasundo raw si Aguinaldo sa Kapre na hahayaan niya itong tumira roon kapalit ng kanyang proteksyon na hindi siya magagalaw nino man. Ganunpaman, hindi naman ito napatunayan. Tanging si Aguinaldo lamang ang nakakaalam ng katotohanan.

Totoo man o hindi, nakakatuwang malaman na hindi isinakripisyo ng unang presidente ang mga puno at halaman para lamang magawa ang kanyang mansyon.

Si Aguinaldo mismo ang gumawa ng kanyang bahay. Ibinigay na ito sa mamamayan noong 1963 at tinawag na itong Aguinaldo Shrine.

EMILIO AGUINALDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with