Kontrabidang hipag

Dear Vanezza,

Akala ng pamilya ng mister ko ay pinagdadamutan ko sila kahit seaman ang kuya nila. Hindi naman nila alam na baon kami sa utang na kailangang bayaran. Hindi naman makatanggi ang mister ko kaya ako na ang humahawak ng pera namin, pero mukha naman akong kontrabida. Ano ba ang gagawin ko?

Jasmin

Dear Jasmin,

Ipaliwanag ang inyong problema. Tiyak ay maiintindihan ka nila kaya medyo nagtitipid muna sa ngayon. Kaysa mabaon sa utang, magtiis munang magmukha kang kontrabida.

Sumasainyo

Vanezza

Show comments