Paano makikilala ang Kaibigan?

Dear Vanezza,

Totoo pala na mas makikilala mo ang ugali ng kaibigan pagdating sa pera. Bale ba, maganda ang usapan namin ng friend ko na gagawin niya akong guarantor dahil gipit na gipit siya. Sa madaling kuwento, naglahong parang bula ang friendship ko. Ang problema luhaan akong nagdurusa na nagbabayad ng kautangan ng iba. Heto ang siste, may another friend ako na nabalitaan na may alam akong mauutangan. Lo and behold, gagawin na namang guarantor ang beauty ko. Hindi pa ba ako madadala? – Sonia

Dear Sonia,

Kung hindi ka pa natuto sa iyong pagkakamali, aba sumige na parang kumuha ng batong ipupokpok muli sa iyong ulo. Hindi masama ang tumulong, pero huwag magpapadala na maging guarantor kahit sa sari­ling pamil­ya kung alam mo rin naman hindi marunong magbayad ng utang at ikaw ang magdurusa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments