Hollywood actress na si Gwyneth Paltrow, nagbebenta ng kandila na amoy vagina!

Ang Hollywood actress na si Gwyneth Paltrow ay nagbebenta na ngayon ng mga kandila na may kakaibang amoy – ang amoy ng vagina.

May sariling website si Paltrow kung saan mabibili ang nasabing kandila, ‘This Smells Like My Vagina’ ang label nito at ibinebenta sa halagang $75 o halos nasa apat na libong piso.

Ayon kay Paltrow, biruan lamang daw nila ng perfumer na si Douglas Little ang pagkakaroon ng scent na ito noong may collaboration sila ng bagong pabango.

Sumusubok daw sila noon ng bagong scent nang bigla na lang sabihin ni Little na “uhh… this smells like a vagina,” nang maamoy ang isa sa mga ito.

Nagkaroon daw ng test run ang kandila at ilang oras lamang ay na-sold out ito.

Dagdag pa ni Paltrow, gawa raw ito sa pinaghalong geranium, citrusy bergamot, cedar absolutes juxtaposed with Damask rose at ambrette seed, at walang kahit anong halo na amoy galing sa vagina.

Ang lifestyle brand na ito ni Paltrow ay ipapalabas sa six-episode series sa Netflix na The Goop Lab.

Huli naman siyang napanood sa big screen sa box-office hit na Avengers: Endgame.

Show comments