Bahay ng mga Hobbit Binabalik-balikan sa NZ!

Kung kayo ay nagbabalak na magpunta sa New Zealand at fan ng Lord of the Rings na pelikula, dapat ninyong bisitahin ang Hobbiton.

Dati itong sheep farm na ginawang fantasy land. Naging location ito ng Lord of the Rings sa loob ng ilang taon, pero ngayon ay bumalik na ito sa pagiging sheep farm. Ganunpaman, ang mga fan ng LOTR ay maaari pa ring mag-tour dito.

Dadalhin kayo ng mga tour guide sa iba’t ibang highlights ng farm na ginamit sa LOTR at The Hobbit.

Nagkalat ang mga hobbit holes doon na para bang matagal na silang nandun. Bawal silang pasukin ng mga turista, pero pwede naman nila itong tignan ng malapitan.

Marami pa kayong makikita sa Hobbiton, kahit na mukha itong nakatago sa totoong mundo, madali naman siyang mahanap gamit ang GPS.

Show comments