^

Para Malibang

32 feet na tapeworm nahugot sa puwet ng isang lalaki!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Isang araw daw, matapos niyang ihatid sa eskuwelahan ang kanyang anak, nakaramdam ng tawag ng kalikasan ang freelance photographer na si Kritsada Ratprachoom at agad na pumunta sa banyo.

Patapos na raw ang 44-year-old na lalaki mula Thailand at magpupunas na lang ng kanyang puwetan, pero nararamdaman niyang parang may nakalawit pa raw dito.

“I had just finished dropping my child off at school and ran some errands when I had to go [for a] number two. Afterwards, I felt like I wasn’t finished defecating, like something was left. So I got up to see what it was. Turns out there was something sticking out of my bottom,” kuwento ni Ratprachoom.

Sa mismong linggong iyon daw kasi ay naope­rahan siya sa appendix, kaya inakala niyang may naiwan lang na sinulid pagkatapos ng operasyon. Ganunpaman, hinila niya raw ito, naramdaman niya na parang madikit daw ito at tila nababanat. Doon niya na-realize na hindi ito isang sinulid – kung hindi isang tapeworm o bulate sa puwet.

Ang tapeworm daw ay flat, at ribbon-like worms at puwedeng manirahan sa bituka kapag nalunok mo ang kanilang itlog o ‘di kaya naman ay yung mga bagong pisa.

Rare lang daw ang mga ito sa UK, pero common na sa ibang parte ng mundo.

Umabot daw sa 32 feet ang haba ng nasabing bulate na kalaunan ay kanya ring nai-flush sa toilet. Nakita pa raw niya itong gumagapang-gapang.

Hindi raw niya alam kung saan at kung paano niya ito nakuha.

Wala naman daw sintomas ang pagkakaroon ng tapeworms, pero ang ibang tao raw na meron nito ay madalas makaramdam ng sakit ng tiyan, pagtatae, pagkahilo at pagkabawas ng timbang.

vuukle comment

LALAKI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with