Impluwensiya ng numero sa pagkatao

No. 4 Person: Matalino at Faithful

Ipinanganak sa 4th day of the month. Mabilis matuto at may natural na talino. Nagiging asset ng pinagtatrabahuhan. Mabait na kaibigan dahil hindi marunong magalit. Kaya lang, kung anong bagal niyang magalit, mabagal din siyang ma-in love. Pero oras na matagpuan niya ang kanyang true love, asahan mong ito ay panghabambuhay. Sa kabila ng katalinuhan, kailangan nila lagi ng moral support or ‘tagapalakpak’. Iyon lang ang kailangan niya sa kanyang kaibigan at magiging asawa upang manatiling “buhay” ang kanyang tiwala sa sarili.

Kasundo niya ang number 1, 4 at 8 persons kasama ang kanilang derivatives ngunit hindi ang number 3 person and its derivatives. Derivatives—two digit na petsa na may suma total ng mga binanggit na single numbers. Susuwertehin tuwing Linggo, Lunes at Sabado o petsang 4, 13, 22 at 31. Ingatan ang kidney. Madalas idadaing ang sakit sa likod at ulo. Magdudulot ng suwerte ang stone na Aquamarine at kulay white at light blue.

Show comments