Serial killer ang best friend

Panaginip: Nasa bahay ako ng aking kaibigan. Nahuli niyang nagnanakaw ang kanyang katulong kaya pinatay niya ito. Tapos nagpalit ng eksena. Sunud-sunod na ang pag-atake ng aking kaibigan sa mga tao para patayin sila. Tuwing pumapatay siya ay kasama ako. Pinag-iisipan kong layuan siya pero baka naman ako ang patayin.---Black Panther

Interpretation: Ang sunud-sunod na pagpatay ay senyales na may attitude ka na nagiging dahilan upang mabigo ka sa iyong mga pinapangarap. Pinag-iisipan mong baguhin ang iyong negative attitude ngunit nag-aalala ka na bumalik ka na naman sa “old habits” mo.

 

Show comments