Organize na bathroom

Ang bathroom ang lugar kung saan puwedeng mag-relax at maligo para maging fresh ang pakiramdam mula sa maghapong pagtatrabaho. O kahit nagmamadaling umalis ng bahay.

Kaya importante na gawing organize ang banyo.

Tulad ng paglalagay ng maliit na cabinet, tissue, at pag-display ng malinis na basahan sa sahig. Para hindi mag-alala na ma­ging maamoy ang bathroom o comfort room ay puwedeng magpatak ng downy, zonrox, o powder na sabon sa tangke ng flush ng CR. Huwag din itapon ang mga maliit na natirang sabon. Puwede itong ihulog sa tangke ng flush ng toilet.

Para anytime na magpa-flush ay mabango pa rin ang hangin sa loob ng banyo.

Mahalagang may sapat na exhaust ang bathroom para magandang ang daloy ng hangin tuwing gagamitin ang banyo.

Show comments