^

Para Malibang

Zombie Family (267)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI nga malaman ng mga nakakita kung paano magsumbong. Sa sobrang nerbiyos, ayaw nang lumabas.

Dahil nga nakita nila ang lumilipad na zombie na bumulusok mula sa itaas.

“Tumawag na lang kasi tayo.”

“Tama. Tapos i-send natin ang mga nakuhang pictures.”

“At i-public natin. I-youtube. Para lahat makakita at maniniwala.”

“Good idea ‘yan!”

NAGKAGULO sa presinto nang makita ang social media picture ng flying zombie.

“Hindi naman mukhang cured o imbento lang, hindi ba?”

“Totoong-totoo ang tingin ko, e. Maliwanag. Kasi kahit gabi, mukhang may mga ilaw sa poste na malapit sa kumuha.”

“At may kasama pang buwan na napakaliwanag din.”

“Takot daw silang maglakad na pumunta rito. Dahil tiyak daw na nasa ere lang ang zombie.”

“Kalat na ang balitang ito ngayon. Nasa newscast na nga sa tv, o!”

“Talagang pinakalat, gusto makita nang lahat!”

KAYA nakita rin nina Laurice ang litrato ng flying zombie.

“Nikolai, iyan si Leilani. Kahawig pa rin niya kahit medyo buluk-bulok na ang mukha. Siya si Flying Zombie! I told you kaya siya nawala ginawa na siyang masamang entity ng isang may napa­kasamang kapangyarihan!”

“Laurice, alam ko marami nang nangyaya­ring we can’t explain. Pero huwag naman sana tayong bastang maniwala kung hindi natin nakikita ng sarili nating mga mata.”

“Then baka pag nangyari ‘yon patay na rin tayo. I don’t think nakaka-survive ang naka-encounter sa flying zombie.”

Sinipat pang mabuti ni Nikolai ang celfone niya na may litrato ng flying zombie.

“But it really looks so real.”

“Kasi nga totoo. Totoong may flying zombie at si Leilani ‘yon. Siguro, kung makikipag-live in ako sa iyo, ako ang susunod na maging zombie.”

“At hindi ‘yon mangyayari. Because we’re going to get married dahil maa-annull ang marriage mo kay Herman. Hindi na siya tututol.”

“But don’t you ever touch me, Nikolai. Mabuti na ‘yung nag-iingat ako. Huwag tayong gumawa ng bawal hanggang hindi tayo nababasbasan ng simbahan  sa kasal natin.” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with