^

Para Malibang

Zombie Family (262)

Gilda Olvidado - Pang-masa

HINDI naman kinontra ni Herman ang sinabi ni Nikolai. Na kaya nitong protektahan ang pamilya niya sa Maynila.

“Alam ko. Pero sundin muna natin ang usapan. Be responsible for them for six months. Kapag may napatunayan ka then asikasuhin na lang ni Laurice ang annulment documents at pipirma ako.”

“Dadalhin ko rito ang mga documents kung magkakasundo tayo, Herman.”

“Okay. You have my word na pipirma ako.”

TUMAWID uli sa dagat si Nikolai para marating ang seaside na pagmumulan niya papunt­ang Maynila.

Ligtas siya. At hindi na-trigger ang magnetic detection sa navy ship. Kaya walang humabol sa kanya.

“Sana naman okay din kay Laurice ang usapan namin ni Herman. Para maayos na ang lahat. At hindi na matatakot si Laurice na magmahal sa akin.” Bulong ni Nikolai sa sarili.

Nakarating sa Maynila si Nikolai, gabi na.

Agad niyang tinawagan si Laurice.

“Nikolai! Thank God at nandidito ka na! May problema pero magkita tayo, ikukuwento sa iyo.”

“Sige, Laurice.”

Sa isang coffee shop nagkausap ang dalawa.

“Laurice, nawawala lang ang bangkay pero hindi ka dapat matakot na magiging zombie siya.”

“Pero kung hindi nabuhay ang patay, nasaan? Bakit hindi siya makita?”

“Maybe this is just a prank. May mga tarantado lang na gustong manggulo.”

“Iba talaga ang kutob ko, Nikolai.”

“The police force is doing their work. Maghintay na lang tayo ng balita. Laurice, ayaw mo bang tanungin kung ano ang nangyari sa pagpunta ko sa isla?”

“Oo nga pala. Nakalimutan ko na tuloy ‘yan. Nagkita kayo ni Herman? Ano ang nangyari?”

“Maayos kaming nagkausap. Apat na araw akong bisita sa isla at maayos ang naranasan ko. Mabu­ting tao si Herman. At ligtas ako sa mga body parts. Mababait sila, Laurice. Amazing!”

“Considering na si Marga ‘yon!”

“Baka tama ang theory ni Herman. Na kumilos din ang Diyos sa kakaibang paraan. He transformed Marga to body parts na walang kasamaan.”ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with