Nagsisisi sa kaduwagan
(Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

May kapitbahay akong kaibigan ko rin. Gusto ko siyang ligawan, pero nahihiya ako. Sinasabihan niya ako ng problema niya. Kung minsan ganundin ako. Hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Pupunta na raw sila sa Amerika at naibenta na ang kanilang bahay. Pinilit kong maglakas-loob, pero hindi pa rin ako nakapagtapat. Nakaalis na sila ngayon at nagsisisi ako sa kaduwagan ko, ngayon kung bakit hindi ko nasabing mahal ko siya. Alam ko na gusto rin niya ako. Anong dapat kong gawin? - Allan

Dear Allan,

Moderno na ang panahon ngayon hindi na imposible ang makausap mo siya. Hindi pa huli ang lahat para masabi mo sa kanya ang raramdaman mo sa kanya. Siguro naman ‘yung hindi mo masabi ng harapan ay maipagtapat mo na sa kanya sa messenger, Skype, o lalo na sa video call.

Sumasaiyo,

Vanezza

KADUWAGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with