Isda na may mukha ng tao, nakitang pagala-gala sa isang lawa!
(Pang-masa) - November 11, 2019 - 12:00am

Nagkagulo ang mga netizen dahil sa isang video diumano ng isda na may mukha ng taong palanguy-langoy sa isang lawa sa China. Nakuhanan ito ng isang babae habang namamasyal sa Miao Village, isang sikat na tourist destination sa siyudad ng Kunming.

Noong una raw ay nagdalawang isip pa siya kung kukuhanan niya ito o hindi, pero nang makita niya na may mukha ito diumano ng tao, dali-dali niyang kinuha ang cellphone para i-video.

Ipinost niya ito agad sa Chinese site na Weibo.

Pinagtatalunan naman ito ng ilang netizens na nagko-comment. May nagsabing ito raw ay isang sirena na naligaw lang, habang ang iba naman ay nagsasabing halimaw daw ito na hindi dapat gambalain.

Sa nasabing ­video, kitang-kita ang isda na lumalangoy na para bang naghahanap ng pagkain sa pampang ng lawa. Malinaw na malinaw ang mukha nito na may dalawang itim na mata, butas ng ilong at makapal na labi.

Sabi ng babaeng kumuha ng video, isa raw itong diwata, pero kahit isa sa kanila ng mga netizen ay walang tumama, dahil ito ay isang uri ng karpa na hindi pa matukoy kung ano.

Bibihira lang daw ang makakita ng ganito, pero hindi raw ito ang unang beses na napabalitang may isda na may mukha ng tao.

Taong 2009 daw nang may makita ring dalawang karpa na nakatira sa palaisdaan ng isang 64-year-old na lalaki. Ganun na ganun din daw ang description ng nakakita. May mata, ilong at bibig.

Ayon sa fish expert, kung tititigan raw ito ng mabuti, para talaga itong mukha ng tao. Pero maaa­ring gawa lang din daw ito ng tinatawag nating optical illusion.

 

 

ISDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with