^

Para Malibang

Target na Goals ng OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Hindi man plano ng mga overseas Filipino workers na ma-extend ang kanilang paglagi sa ibang bansa, walang choice ang OFW dahil sa mga hindi maiiwasang pinansyal na pangangailangan ng pamilya.

Ang nakasaad lang dapat sa kontra ay dalawang taon, sa malas na hindi na namamalayan na umaabot na ng apat, lima, o sampung taon sa ibang bansa. Ang iba ay talagang 20 o 30 years ang iginugol ng kanilang buhay mag-isa sa ibang bansa.

Kaya dekada na ring hindi nakasama sa mga birthdays, graduation, kasal, funeral, Pasko, at ibang pang mahahalagang event ng pamilya.

Puwede namang mapigilan ang over-staying sa ibang bansa. Kailangang magkaroon ng realistic na goal. Importante na alam din ng mga anak at asawa ang target kung hanggang kailan lamang ang goal. Upang makaipon para sa kanilang pag-aaral o makapundar ng bahay o negosyo. Pumili lamang ng isa o dalawang goals ayon sa suweldo. Saka umuwi na ng ‘Pinas, kapag na-shoot na ang target na goal. Huwag lunurin ang sarili sa pagkayod sa mga goals na mahihirapang matupad. Or else talagang babalik na lang sa ‘Pinas kapag kung kailan na lamang magreretiro o matanda na.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with