Zombie Family (231)

HINDI mai-let go ng kumander ng mga marine ang alam nilang information tungkol sa mga body parts.

“Kung hindi man mapapatay ang mga teenagers na zombie then maybe we should just pulverize them!”

“Bakit ganyan kayo? Hindi ba kayo nangingilabot? Kung makapagsalita kayong may dudurugin para bang hindi na mga tao yung mga bata.”

“Mas dapat unahin ang nakararami. Hindi ko puwedeng pagmalasakitan ang mga bata na alam nating napakarami pang mga inosenteng mamamatay kapag patuloy silang nabubuhay. ”

“Sir, what’s the plan?”

“Lulusubin natin ang isla with all our firearms. Tirahin ang lahat na dapat tirahin. Pero ang talagang target natin ay dalawang bata lang. Kailangan nila ng espesyal na incubator para mabuhay sila nang maayos. But I have a plan B. And this is more interesting.”

“Sir, ano ang plan B?”

“Magri-request na ako ng bomba. And that’s it. Annihilate everything there on the island. Tingnan na lang natin kung ano ang gagawin nila sa mga sumunod na araw.”

“But, Sir … pati si Herman, mamamatay. At baka siya lang ang mamatay. Dahil ang mga teenagers tiyak na magta-tranform lang into body parts.”

“Body parts na mababait, walang panganib!”

“Iyon na nga, Sir … mabuting tao pa rin si Herman. At mahal na mahal niya ang mga anak niya. Mamamatay na nga lang ba siya?”

“Kaya nga gagawin ko pang proposal ito, e. They might agree. If not, then magpapa-transfer na lang ako sa ibang assignment. Ayokong natatalo lang ako ng dalawang teenagers.”

Wala nang kumibo. Hahayaan na lamang nila ang kanilang commander na magplano at humingi ng suporta.

PINAGMAMASDAN ni Herman ang dala­wang anak na nga­yon ay hindi na nakakatakot ang mga mukha.

Hindi na kasi gutom. Mukhang mga ordinary na teenagers na lang.

Awang-awa siya sa mga anak. Mga inosente. Pero nakakain na ng flesh and blood ng tao.

“Sige, magpahinga kayo. While I’m rocking my mind kung paano ko kayo protektahan. Paggising ninyo tiyak gutom na naman kayo. Uubusin na ninyo ang patay na pugitang pinaasnan ko lang.” Itutuloy

Show comments