Ham and Cheese Roll

Madaling gawin ang ham and cheese roll na perfect gawing appetizer o pam-merienda. 

Mura lang ang mga ingredients sa Pinoy style na merienda na ito dahil puwede ninyong gamitin ang ilang leftover na tinapay at ham.

Maaari rin itong gawing pangnegosyo. 

Ingredients:

Loaf bread

Cooked ham

Cheese

Pimiento

Bread crumbs

Cooking oil

Instructions:

Hiwain ang dark ends ng tinapay at i-flat/pisain ito hanggang sa maging manipis. 

Sunod na ilagay ang ang ham, cheese, at pimiento. 

I-roll ang tinapay at gamitan ito ng toothpick para ma-secure.

Isawsaw ang na-roll na tinapay sa beaten eggs at muling i-dip sa breadcrumbs. 

Iprito ito sa medium heat hanggang mag-golden brown. Burp! 

Show comments