Takot na Ipakilala ang GF kay Nanay

Dear Vanezza,

Naglayas ang misis ko last year na hindi na nakatiis sa pagbubunga ng nanay ko. Sa malas, ang sinasakyan niyang jeep ay nabangga at nakasama ang asawa ko sa namatay. Ngayon ay bago akong nobya na natatakot akong ipakilala sa nanay ko na baka ganundin ang gawing trato ng ermat ko. Tama ba ako?

Karl

Dear Karl,

Importante na kung mag-aasawa ay magsarili ng bahay upang maiwasang hindi na maulit ang mangyari sa rati mong asawa at sa iyong nanay. Siguro ay natuto at nagsisi na rin si nanay sa nangyari.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments