Ilang Taong Iginugol ng OFW

Maraming mga overseas Filipino workers na halos nagugol ang kalahati ng buhay na mag-isa sa ibang bansa. Ilang birthdays, reunion, graduation, wedding, funerals, na ba  ang na-miss. Mas mahaba pa ang oras ng pagtatrabaho sa foreign land na nakalulungkot na lumaki na ang mga anak na hindi nasubaybayan. Hindi masama ang mangarap na makapag-ipon upang may pambayad sa bahay at makatapos ang mga anak. Pero pagkatapos ng ilang taon, ang iba ay hindi naman natupad ang goals. Nakalulungkot na pag-uwi sa ‘Pinas ay malayo na ang loob ng mga anak at puro away na lang ang mag-asawa kung saan napunta ang perang pinapadala. Sensitibong talakayin sa mga OFW ang isyu ng pera. Pero huwag hayaan na isakripisyo ang 20 o 30 years sa labas ng bansa dahil lang sa pera.

Magkaroon lamang ng goals na patapusin ang anak sa schooling o makaipon ng pera sa pagnenegosyo. Saka umuwi na sa pamilya. Ang pera ay nauubos o ‘di madadala sa hukay, pero ang memories ng buong pamilya ang mas mahalaga.

Show comments