Financial na pang-aabuso ni mister

Dear Vanezza,

Malakas ang loob ng mister ko na palayasin kaming mag-iina komo nakikipisan kami sa mga biyenan ko. Hindi rin siya nagbibigay ng pera para sa mga anak namin. Bakit daw niya gagawin yun eh bastos ang mga anak niya sa kanya. Hindi siya nag-aabot ng pera pangkain namin. Ayaw din niyang pagalaw ang suweldo niya, kundi sinasarili lang nito ang pera niya. Minsan hindi kami kumakain mag-iina. Nahihiya kaming makikain sa mga biyenan ko. Ano po ang gagawin ko? – Michelle

Dear Michelle,

Baka nagugumon sa masamang bisyo ng droga o sugal ang mister mo. Ang respetong hinihingi niya ay dapat dine-demand kundi ini-earn kung gusto niyang hindi galangin siya ng anak niya. Puwedeng magsumbong sa barangay o DSWD sa emotional at financial na pang-aabuso ng mister mo. Para mapaalalahanan siya sa kanyang responsibilidad.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments