Mister na Superhero
(Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Yung na-in love ka sa cute, gentleman, guwapong asawa, at marami pang dahilan. Kaya niyang kumpunihin at gawin ang lahat ng bagay.

Mukha siyang walang kinakatakutan sa paningin ni misis. Makisig ang pangangatawan. Mestiso at singkit na nagkataon na weakness ni misis. Siya ang hero ni misis noon, ewan lang kung hanggang ngayon din?

Hindi nagtagal na nahulog si mister sa pedestial na minsang iniluklok ni misis.

Ngayon ay hindi na kayang i-fix ni mister ang simpleng sira ng kotse o ibang gamit sa bahay. Dahilan kung bakit na napapagastos sa pagpapagawa sa iba tuloy ay  nagagalaw na ang savings ng mag-asawa. Hindi na rin maintindihan ang mga desisyon ni mister na normal na sitwasyon sa kahit sinong mag-asawa. Nagbago ang pananaw ni misis kay mister at sa kanilang buhay mag-asawa. Ginawang superhero ni misis si mister habang nakalimutan nito na isang tao lang ang asawa na mayroon ding kahinaan.

Hindi patas na bigyan ng mataas na standard ang ating sarili lalo na ang asawa. Lahat ay puwedeng magkamali o mabigo. Hindi pa huli ang lahat, puwede pang bigyan ng maraming pagkakatao na magbago ang asawa.

Huwag ilalagay sa pedestal ang asawa, upang makita siya nang malinaw, pero bigyan din siya ng kalayaan na mag-grow o magkamali. Huwag din kalimutan na samahan at tulungan si mister bilang katuwang sa buhay.  Kailangang matutunan na hindi kailangang maging superhero si mister, kundi maging ka-team sa buhay, pero katulad niya ay isang superhero na rin sa paningin ni misis.

 

 

SUPERHERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with