Nagmukhang bruha ang ina

Panaginip: Bata ako sa panaginip. May crystal ball sa mesa. Ito ‘yung crystal ball na ginagamit ng manghuhula. May tubig sa loob ng crystal ball, lumitaw ang mukha ng aking ina. Noong una ay nakangiti siya at ang ganda-ganda niya. Tapos maya-maya ay nagbago ang kanyang hitsura, pumangit siya na parang bruhang mangkukulam.---Yna

Interpretation: Ang tubig sa panaginip ay simbolo ng emosyon. Dalawang magkaibang imahe ng iyong ina ang lumabas sa crystal ball na may tubig. Ang suspetsa ko, may two different emotions kang nararamdaman sa iyong ina. ‘Yung una, mahal mo siya. Ito ang ipinahahayag nang lumitaw siya sa crystal ball na nakangiti. At pangalawa, may itinatago kang tampo sa kanya. May pangyayari noong bata ka pa na nagresulta ng hinanakit sa iyong ina.

Show comments