Zombie Family (193)

AT nagtagumpay naman ang sangkatutak na Marga na makuha ang kanyang katawan.

Kahit ayaw niya, naka-sex siya ng mga ito.

Palitan. Nakapila pa.

Pagod na pagod na si Herman. Diring-diring-diri na.

Kung ang isang zombie Marga nga lang ay parang mamatay na siya kapag ginagalaw niya, ano na lang itong napakarami na?

“Herman … Herman …”

“Aaaaahhhhh!”

Ang lakas ng sigaw ni Herman. Napabalikwas ng bangon.

Nightmare lang pala iyon. Si Laurice ang gumi­sing sa kanya.

“Herman, heto o … uminom ka ng tubig.”

“Bangungot lang ba ‘yon?”

“What was it?”

“Sa isla … dumami ang mga zombie Marga. At lahat sila, gustong magpagalaw sa akin! Laurice, kung ano ang nakita ko noong nasa dagat kami ni Dindo, ganoon ang naranasan ko sa bangungot ko kanina!”

“Nasa utak mo lang ‘yung nakita mo nang nasa dagat ka, Herman. Hindi ‘yon totoo.”

“Pero naulit sa bangungot … worst nightmare!”

“Normal lang ‘yon. Hindi biro ang pinagdaanan mo.”

“Paano kung totoong nag-breed na ang mga zombie Marga sa isla, Laurice? Paano kung it’s just a matter of time at susugod na sila dito sa city?”

“Saan ba kasi nanggaling ang theory na ang isang zombie ay dumami?”

“Laurice, her body parts multiplied! Iyon ang mga nakita namin ni Dindo! Lumaki pa, lumabas pa sa buhanginan. But at first, noong mga maliliit pa sila, bumaon sila sa buhangin. But they ate any living thing na makursunadahan nila. Namimili lang sila! At walang rule sila sa pagpili. Kaya mahirap silang analisahin kaya mas delikado sila!”

“Her body parts! Puwede kayang iyon na lamang muna ang problemahin natin? Hindi sila kasimbigat doon sa sinabi mong nag-multiply na rin into so many ang mga zombie Marga, Herman!”

“How I wish that the reality is not worst than my nightmare, Laurice.”

“Let’s pray. Para lumakas ang loob natin. C’mon, Herman … lalaban pa rin tayo. Hindi natin papanalunin ang demonyo!”

- ITUTULOY

Show comments