Puwede bang isoli si misis sa biyenan?
(Pang-masa) - September 4, 2019 - 12:00am

Ang marriage minsan ay inilalagay ka sa front row seat sa hindi magandang posisyon gaya rin ng asawa mo.

Sa honeymoon pa lang ay na-realize na ni mister ang ilang hindi kagandahang sides ng ugali nito, pero huli na ang lahat na hindi na puwedeng isoli ang asawa tulad halimbawa ng ticket sa biyenan.

Lalo na kung lumaki ang asawa sa bahay na puro sigawan at ang awayan ay normal lamang na arena. Kung kaya kapag nagtatalo rin sila ni mister ay nakataas na ang boses ni misis. Gusto ni misis na naririnig ang boses niya. Tumatahimik lang ang babae kapag nakasigaw na si mister.

Hindi sigurado si misis kung mula pa sa umpisa ay alam na ni mister ang kanyang ugali, bago pa sila ikasal. Pero nakalatag na ang bagahe ni misis sa sahig na kahit ang kalating maleta nito ay kabilang na sa kanyang asawa. Isinara na ni mister ang bag ni misis pati na rin ang kanyang maleta.

Kapag nag-asawa, hindi ibig sabihin ay tatanggapin at titiisin na lamang ang flaws at kahinaan ng ni wifey at hubby at pag-aaralan na mamuhay kasama niya. Gaya ng puwedeng bang matitiis ang hilik ni mister? Biblical na bigyan ng atensyon ang maling aksyon ng asawa sa paraan na may pagmamahal.

Ibalik sa tamang paraan na may spirit ng gentleness ang mga pagkakamali ng asawa. Sa maayos na paraan at hindi na may galit, init ng ulo, maling attitude, o nagsisigaw.

Kailangang ipaalala ni mister na hindi sila magkaaway o magkalaban, bagkus ay iisa sa laman, puso, at isip na magbabago ng pananaw ni misis.

Ang gentleness at malumanay na pakikitungo sa asawa ay magpapalambot at magpapakalma ng emosyon ni misis.

MARRIAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with