Zombie Family (180)
MAGDAMAG na palutang-lutang ang mga debris na kinaroroonan nina Herman at head ng task force.
Uhaw na sila, gutom.
Salamat na lamang at walang malalaking alon dahil maganda ang panahon. Pero ang takot ay hindi maaalis.
“Dindo.”
“What?”
“Call me Dindo. Kasi iyon ang pangalan ko. Huwag mo na akong tawaging Sir.”
“Okay, Dindo.”
“Ganito pala ang gutom na gutom.”
“Kasi mga dalawang araw na tayong hindi kumakain.”
“Pero mas mahirap tiisin ang uhaw, Herman.”
“Right. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Kahit wala namang sikat ng araw.”
“Bukas, pag sumikat na naman ang araw, kaya pa kaya natin ang uhaw?”
“Bahala na.”
LUMABAS na ang pasya mula sa itaas. At muling kinausap si Laurice.
“Nanaig ang humanity. Hindi puwedeng pabayaan na lang silang mag-expire. Kaya pakakainin sila ng karne huwag lang nilang tanggihan.”
Natuwa si Laurice. “Salamat. Siguro, tiyakin lang na lutung-luto ang karne. Kasi kung hindi, doon siguro nila maaalala nang husto ang mga karne ng tao na very raw nilang kinakain.”
“Tama. Kung puwede nga lang ba na overcooked. Well, iyon naman ang suggestion ng nutritionist. To cook the animal parts well done.”
“Maraming salamat ho sa pagpili ng buhay nila.”
“Basic naman ‘yon sa tao, Laurice. Na pipiliin ang buhay.” Sumabad na si Nikolai na laging kasama ni Laurice kapag ang lakad ay tungkol sa mga zombies.
Nandodoon si Laurice nang matapos nang lutuin ang pagkain ng dalawang teenagers.
At pinakakain na ang mga ito.
Nang lumabas ang feeders, taka ang lahat.
“Bakit ang dami pang natitira?”
“Hindi nga nila isinuka, Sir. Pero wala naman silang ganang kainin.” Sagot ng isa sa mga feeders na naka-protective suit.
“Dahil ang gusto talaga nila ay malalasahan ang karne?” ITUTULOY
- Latest