Nunal sa labas at loob ng Mata

1—Ang sinumang may nunal sa loob ng mata ay indikasyon na siya ay attractive sa mata ng opposite sex.

2—Ang lalaking may nunal sa loob ng kanang mata na nakapuwesto sa bandang kaliwa, siya ay may ugaling gastador, manginginom at malakas manigarilyo.

3—Ang babae o lala­king may nunal sa kanto ng outer eye, ito ay indikasyon na siya ay tahimik, masaya sa kanyang buhay at may magandang pag-uugali.

4—Ang lalaking may nunal sa kanang eyelid ay magiging mapera at dadami ang mga ari-arian.

5—Ang lalaking may nunal sa kaliwang eyelid magiging maginhawa ang buhay ngunit hindi kasing yaman ng lalaking may nunal sa kanang eyelid.

6—Kung ang lalaki ay may nunal sa inner corner ng right eyelid, siya ay yayaman. Kung ang nunal ay inner corner ng left eyelid, ito ay sign na mapapapunta siya sa politics.

Nasa right eyelid or left eyelid ang nunal, pareho silang may magandang pag-uugali.

7—Kung ang nunal ay nasa right side ng right eyeball: yayaman. Kung nasa left side ng right eyeball: Mabilis makakuha ng pagkakakitaan ng pera at magandang makisama.

Show comments