Aromatheraphy for Fame & Reputation

Sa Fengshui, puwedeng gumamit ng aroma ng essential oil upang ikaw ay sumikat, lalong gumanda ang reputasyon at maging maayos ang relasyon sa mga taong nakapaligid sa iyo. Sa South sector ng iyong kabahayan magpasingaw ng aroma gamit ang aro­matheraphy steamer. Essential oil at ang kanilang benepisyo:

Grapefruit: Nagdudulot ng sigla

Jasmine: Nagpapalakas ng self confidence.

Lemon: Nagtatanggal ng mga hadlang sa plano.

Mint: Upang may dumating na taong tutulong para matupad ang pangarap.

Patchouli: Gigisingin ang pagiging malikhain mo.

Eucalyptus: Upang mapagtanto mo kung ano talaga ang iyong “goal” sa buhay.

Show comments