Carrot mask pampaaliwalas ng mukha
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Ang mangga, almonds, broccoli, at spinach ay may taglay na Vitamin E na nakatutulong sa paglago ng cell/tissue upang mapalitan ang magaspang na balat ng malambot at mala-porselanang kutis.

Hindi mapipigilan ang pagdami ng kulubot sa mukha na dulot ng pagtanda pero may paraan upang mapabagal ito.

Nakatutulong ang pag­­­­kain ng mga gulay na kulay dark green ang kulay (halimbawa: spinach, kamote, lettuce, alukbati, broccoli, at iba pa) upang mapabagal ang pagsulpot ng mga kulubot sa mukha.

Para sa namumugtong mga mata, ilagay sa mata ang pipino na pinalamig ng magdamag sa freezer.

Para sa taghiyawat sa mukha, makatutulong ang paglalagay ng fresh na aloe vera sa apektadong bahagi.

Mayroon itong anti-inflammatory properties na siyang responsable para ‘wag lumalala ang nakakairitang acne sa mukha.

Dahil sa mataas na beta-carotene level ng carrots at maging sa taglay ­nitong Vitamin A, epektibo ito sa pagpapaaliwalas ng iyong aura. 

Maaari itong kainin o direktang ilagay sa mukha sa pamamagitan ng paggawa ng carrot mask.

CARROT MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with