Zombie Family (169)

NANLUMO rin si Laurice.

Malakas ang kutob niyang may masamang nangyari sa mga sundalo. At habang nakatingin siya sa image ni Herman sa monitor, hindi na niya alam kung ano ang iisipin.

Ang tagal nang magkasama sina Herman at Marga, hindi na siya sigurado kung tao pa rin ang kanyang asawa.

Ganito rin kasi ang insinuations ng mga lider ng military kay Laurice.

“Bakit siya na lang ang nakikita namin standing in that image? There is really a nagging question kung ano nang klase ang asawa mo ngayon, Misis.”

“Nakikita naman nating normal ang kanyang itsura, tama?”

“Arturo, mali naman yata kung iniisip n’yo nang siya na ang zombie?” Sumalo si Nikolai, awang-awa siya kay Laurice.

“Kapag napadikit ka nang husto sa isang highly contagious na zombie, nagla-lovemaking daw ang dalawang ‘yan … hindi ka nga kaya mahahawa, Nikolai?”

Hindi makasagot si Nikolai.

“But anything is possible, iyan naman ang sabi ko, hindi ba? Maybe he is still a normal person. Na sana makakapagbigay ng linaw sa amin kung nasaan na ang ang aming mga sundalo. Elite force ang task force na pinadala namin doon. We just won’t accept they are all victims now. Napakahirap tanggapin noon.”

NAPIGIL nga ng head ng task force ang paglabas ni Herman mula sa gubat. Para tumapak sa malawak na buhangin kung saan bigla na lang nawala ang mga pira-pirasong Marga.

“Those are thousands of pieces, Herman. Puwede kang kainin ng mga ‘yon.”

“Pero nasaan nga? Wala naman sila!”

“Don’t be a fool. Don’t be too confident. Mga nakalubog lang sa buhangin ang mga pira-pirasong zombie.”

Iyon din ang naisip ni Herman kaya umatras na lang siya.

Maya-maya may naliligaw na hayop sa dalampasigang iyon. Isang wild rabbit. Kitang-kita nilang nangingisay na lang ito sa buhangin.

Maya-maya wala na ang rabbit.

Parang may biglang kumain, sobrang  bilis.

“Herman! May nakita tayong rabbit, right? Nasaan na? Ang bilis nawala. Pero parang nangisay muna, sobrang nabigla ang rabbit … saka nawala.” ITUTULOY

 

Show comments