Bad energy sa bedroom/study room ng bata
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - July 25, 2019 - 12:00am

Tamad bang mag-aral ang iyong anak? Baka naman mali ang Feng shui ng kanyang study room o bedroom na nagsisilbi ring study room.

1--Kung kayo’y may toilet sa second floor ng inyong bahay, iwasang itapat dito ang study table ng bata na nasa ground floor. Ito’y lilikha ng tinatawag na “bad killing energy” na magiging dahilan para mawalan ng gana sa pag-aaral ang bata.

2--Siguruhin na ang puwesto ng bata habang nagre-review ay walang nakatutok na poison arrow:  kanto ng furniture, nakausling kanto ng haligi ng bahay, etc. Again, ito’y lumilikha ng “bad killing energy”.

3--Nakatalikod siya dapat sa solid wall kung nakaupo at nagre-review para makatanggap siya ng suporta mula sa ibang tao: mabait na titser, kaklase, etc.

4--Kung may painting na bundok, isabit ito sa bandang likod kapag nakaupo siya.

5--Iwasang magdispley sa bedroom/study room ng waterfalls, lake at iba pang body of water dahil ang epekto nito ay pagiging malikot ng mga bata.

6--Obserbahan ang study corner o study room ng inyong anak: May aircon o exposed overhead beam na nakatapat sa kanya? Kagaya ng poison arrow, ito ay lumilikha ng “bad killing energy.”

7--May puno bang nakatapat sa bintana ng bedroom/study room ng inyong anak? Sana wala. Nakasisira ito sa concentration ng bata.

8--Maglagay ng crystal globe sa Northeast ng salas, study room o bedroom ng bata para ma-activate ang study luck ng lahat ng estudyante sa inyong bahay.

 

 

FENG SHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with