Anak, ayaw ibigay ng biyenan

Dear Vanezza,

Kinukuha ko ang anak ko sa bahay ng ka-live in ko ngayong nasa ‘Pinas na ako. Pero umaangal ang biyenan kong hilaw dahil napamahal na raw sa kanya ang anak ko. Pero paano naman ako? ‘Di ba ako ang mas may karapatan sa anak ko?

Michelle

Dear Michelle,

Bilang nanay ay ikaw ang mas higit na may karapatan sa anak mo. Pero makipag-usap ka nang maayos. Huwag mong sunugin ang tulay sa pagitan ng lola niya at ng bata, upang malayang makapasyal pa rin ang anak mo sa mga napamahal na rin sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments