Nawala ang tulay

Panaginip: Nakasakay ako sa kotse at ang mister ko ang nagmamaneho. Napasigaw ako nang napansin namin na nawala ang tulay na dati naming dinadaanan.

Tapos nag-suggest ang mister ko na dumaan kami sa shortcut na alam niya pero ayaw ko dahil may feeling ako na palpak ang road na sinasabi niya.

Magkaganoon pa man, pinilit niyang dumaan sa matarik na kalsada.---Maggie

Interpretation: May nangyari sa inyong buhay na naging sanhi upang mawalan ka ng tiwala sa iyong mister.

May effort ba si mister upang maibalik mo ang tiwala sa kanya? Base sa eksena sa panaginip, yes, at ipinakita iyon sa pagpupumilit niyang mai-drive ang kotse sa matarik na kalsada.

Show comments