Sapat nang magkaanak sa kaklase

Dear Vanezza,

Lampas na ako sa kalendaryo. Suwerte na nabuntis pa ako, tatay ay ang dati kong ex na kaklase ko rin, pero malas dahil may asawa na. Isang beses lang may nangyari sa amin at hindi na kami nagkita o nagkausap. Hindi na rin ako pumupunta sa mga reunion namin ng mga classmates ko.  Ayaw kong maiskandalo siya, sapat na sa akin ang magkaanak ako. Tama ba ako? – Ms. Virgo

Dear Ms. Virgo,

Kung mapapanindigan mong hindi siya ipapakilala sa anak niya ay puwede naman. Pero hindi habang buhay dahil maghahanap at magtatanong ang bata  balang araw.  Kung desidido ka sa iyong desisyon ay palakihin ang anak mo at limutin na ang nakaraan. Hanggang dumating na makatagpo ka ng tamang lalaki na ituturing niyang tunay na anak, ang anak mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments