Support system na kailangan ni mister

Dear Vanezza,

Naliligaw na naman ng landas ang mister ko sa paggamit ng droga. Gusto ng mga kapatid niya ay dalhin siya sa probinsya.  Kaso gusto ng mister ko ay kasama ako. Pero nagtatrabaho ako, kundi hindi ay paano naman ang mga anak namin na nag-aaral. Payuhan po ninyo ako. – Sally

Dear Sally,

Kailangan suportahan si mister na puwedeng ihatid muna sa probinsya at dalawin kung may time ka. Ikaw ang misis na magsisilbing support system ni mister sa pagbabalanse rin bilang nanay.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments