Kunsintidor na biyenan sa batugan nitong anak

Dear Vanezza,

Nakikitira pa rin kami sa bahay ng biyenan ko. Yung biyenan kong babae  ay parang walang pakialam sa mister ko na hinahayaang kumuha ng sigarilyo at binibigyan pa niya ng pera ang asawa ko na kinokunsinti ‘di ba? Hanggang nandito kami na nakikipisan sa biyenan ko ay hindi matututong tumayo sa sarili niyang mga paa ang mister ko.  Umaasa na lang ang mister ko sa pension at kinikita sa tindahan ng biyenan ko. Ano ba ang gagawin ko? – Celly

Dear Celly,

Hanggang hindi kayo umaalis sa poder ng biyenan mo ay cycle lang paulit-ulit ang ganyang klase ng buhay ang ginagawa ng asawa mo.  Tama na pilitin ang mister mo na umalis kayo sa bahay ng biyenan mo. Upang magkaroon siya ng sense of responsibility na itaguyod niya ang sariling pamilya ninyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments