Poor mental health ng anak
(Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

Paano nga ba ang negativity na nakakaapekto sa health development ng mga anak? Hindi katakatakang may inner voices ang bawat isa, gaya sa private na conversation sa ating sarili.

Nadiskubre ng neuroscientist na ang ating boses ay natural na negatibo dahil sa pag-aalinlangan, takot, at nahihiya.  Kaya hindi nakapagtataka na naririnig ang bata na nagsasabi ng hindi siya matalino o magaling. Sinasabi rin ng anak na gusto nilang maging part ng ibang klase ng grupo na mahuhusay o sikat. Sa malas ay hindi rin sila minsan tinatanggap dahil sa magkaiba ang hilig ng mga bata. Ang mga negatibong pag-iisip ay paulit-ulit na naririnig sa kanilang isipan kahit sa araw-araw.

Nakaririnig din ang mga bata at teenagers ng negatibong isyu o pag-reject mula sa kanilang pamilya. Ang exposure sa negativism ay tulad ng second-hand smoke.

Ayon sa neuroscientist, ang brain ay naglalabas ng stress chemicals. Kapag pinagsama ang natural na negative inner voice at negatibo rin sa pamilya ay nagreresulta ng poor mental health sa anak.

MENTAL HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with