FYI

• Ang mga British na sundalo ang unang naka-develop ng method na manatiling gising sa loob ng 36 hours na hindi natutulog. Kapag pagod ay naglalagay ang sundalo ng special visors na ginagaya ang liwanag tulad ng sinag ng araw na nagpapagising sa kanila.

• Ang koalas ang pinakamahabang matulog na mammals na 22 hours sa isang araw. Habang ang giraffes ay nahihimbing lamang ng 1.9 hours na 5 – 10 minute na pinakamaikli kung matulog na hayop.

• Kapag ang mga dolphins ay natutulog, kalahati ng kanilang brain ay naka-shut down. Ang kalati naman ay nanatiling gising upang matulungan ang cycle ng paghinga nito.

• Mas unang nakamamatay kung mayroong sleep deprivation o palagiang walang sapat na pagtulog kaysa kapag gutom. Inaabot ng dalawang linggo para matiis ang gutom, pero ang sampung araw na kulang sa pagtulog ay maaaring ikamamatay.

• Sa loob ng 5 minutes sa paggising ay nakakalimutan na ang panaginip, 50% ng iyong panaginip ay nakalimutan na rin sa loob ng 10 minutes, at 90% nito ay tuluyan nang nawala sa isipan.

Show comments