Tubig sa Roman Baths sa UK, Nakagagaling!

Kahit na isa ito sa maliliit na siyudad sa United Kingdom, ang lugar ng Bath ang pinakakilala dahil sa magagandang puwedeng makita rito.

Isinunod ito sa panga­lan ng sikat na Roman Baths, ang napakagandang siyudad na ito ay madalas na dinarayo ng maraming turista dahil sa espesyal na tubig nito na pinaniniwalaang nakagagaling. Inaabot na ng 2,000 years ang tanda nito.

Umaagos ito mula sa tatlong hot springs, halos 43 different minerals diumano ang makikita sa nasabing tubig.

Sa orihinal na Roman Baths, hindi ito puwedeng pagliguan, pero maraming mga spa salon sa paligid nito at ang mahiwagang tubig ang kanilang gamit.

Samantala, tungkol naman sa ancient history nito, sikat din ang Bath sa kakaiba nitong Georgian architecture.

Isa sa mga makikita rito ay ang curved Royal Crescent. Meron na ring museum dito kung saan puwede mong mabalikan ang Georgian times.

Show comments