Nabuntis ang pinsan

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang akong Lonely boy ng Polangui, Albay. Ang problema ko po ay ang aking pinsan na nabuntis ko po. Ano po ba ang dapat kong gawin? Sa ngayon ay 15 years old pa lang siya at ako naman po ay 37 years old na. - Lonely Boy

Dear Lonely Boy,

Hindi mo siya dapat pinakialaman dahil bukod sa iisang dugo ang nananalaytay sa inyo, ikaw ang sumira ng kanyang kinabukasan. Ikaw ang mas matanda kaya dapat pinairal mo ang pagiging kuya sa kanya at hindi sinamantala ang kanyang kabataan.

Pero nariyan na at wala na kayong magagawa kundi ang ipagtapat sa inyong mga magulang ang kalagayan ng pinsan mo.

Wag ninyong sarilinin ang problema dahil habang lumalaki ang kanyang tiyan ay mabubunyag din ang itinatago ni’yong lihim. Anuman ang kahinatnan ng gagawin ninyong pagtatapat ay tanggapin n’yo dahil ito ang resulta ng inyong kapusukan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments